Iriga: Pagbaba ng singil sa kuryente ngayong buwan ng Setyembre, asahan- ALECO

0
3

Kinumpirma ng Albay Electric Cooperative, Inc. (ALECO) ang pagbaba ng singil sa kuryente ngayong buwan ng Setyembre.

Ayon sa abisong ipinalabas ng kooperatiba, nagkaroon ng bahagyang pagbaba para sa mainland rate at pagtaas para sa island rate ng kabuuang singil kabilang na ang Value Added Tax (VAT), kung ikukumpara sa nakaraang buwan ng Agosto.

Para sa mainland, pumapalo na sa Php 8.8029 per kWh ang rate sa residential mula sa dating Php 9.9967 per kWh, Php 7.8306 per kWh naman sa low voltage mula sa dating Php 9.0330, at Php 6.2071 per kWh sa high voltage mula sa dating Php 7.5165.

Sa kabuuan, bumaba ng Php 1.1938 ang singil para sa mga residential, Php 1.2024 para sa mga low-voltage consumer, at Php 1.3095 naman sa mga high-voltage consumers kung ikukumpara sa nakaraang buwan ng Agosto.

Samantala, umaabot na sa Php 11.0140 per kWh ang dating Php 10.9834 sa residential, at Php 10.4454 per kWh ang dating Php 10.4148 sa low voltage para sa mga island areas.

Source: Albay PIO

Leave a Reply