Iriga: Ordinansa hinggil sa benepisyo para sa mga solo parents’ ng malinao, tinututukan

0
4

Tinututukan ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay ang pagrebyu sa Municipal Ordinance No. 0098, s. 2025 ng Malinao, na naglalayong tiyakin ang mas malawak na benepisyo at pribilehiyo para sa mga solo parents at kanilang mga anak.

Ang ordinansa na may titulong “An Ordinance Providing Benefits and Privileges to Solo Parents and their Children of the Municipality of Malinao, Province of Albay, Appropriating Funds Therefor and for Other Purposes”, ay naglalayong itaguyod ang kapakanan ng mga pamilya na may solo parents, lalo na sa usapin ng edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at social support.

Batay sa ordinansa, maglalaan ng pondo para sa programang susuporta sa solo parents, alinsunod sa itinakda ng Solo Parents’ Welfare Act of 2000 o Republic Act 8972.

Binigyang-diin ng mga opisyal na mahalagang maipatupad ang mga probisyong ito sa lokal na antas upang mas maging episyente at direkta ang tulong sa mga benepisyaryong residente.

Kabilang din dito ang pagpapatibay ng mahahalagang serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya tulad ng DSWD, DOH, TESDA, DOLE, CHED, at iba pa.

Ang nasabing legislative measure ay ang “Expanded Solo Parent Welfare Ordinance of the Municipality of Malinao, Albay na naglalayong magbigay ng subsidiya buwan-buwan sa mga solo parent na kumikita ng minimum wage o mas mababa pa.

Inendorso ang ordinansa sa Committee on Women, Children, Family, and Gender and Development sa pamumuno ni 3rd District Board Member Wilfredo V. Maronilla at kasalukuyang masusing nirerebyu.

Source: Albay PIO

Leave a Reply