Iriga: Nasa 80% na ang suplay ng tilapia sa Buhi, Camarines Sur

0
14

Magandang balita para sa Lokal na Pamahalaan ng Buhi, Camarines Sur dahil nakabalik na sa dati o nasa 80% na ang suplay ng isdang tilapia na nasa Lake Buhi.

Ito ang napag-alaman kay Mark Anthony Nazarrea, Public Information Officer ng bayan.

Ayon sa kanya kadalasan kapag may bagyo o sama ng panahon, naapektuhan ang Lake Buhi lalo na ang suplay ng tilapia.

Matatandaan na nagkaroon ng kakulangan sa suplay nito dahil sa sunod-sunod na fish kill sa naturang lawa, tinatayang nasa 80% stocks ng tilapia ang napinsala dahil sa fish kill noon, at 20% na lamang ang natirang stocks o tilapiang nasa Lake Buhi na pinapa-ikot nila.

Ngayon masasabing nasa ideal na o sapat na ang suplay nito, ilan nga sa mga cage operators nakapag-restock rin.

Samantala, hindi gaanong naapektuhan ang bayan lalo na ang Lake Buhi ng Bagyong Betty, wala rin naitalang mga problema o immediate danger sa nasabing lawa.

Ang bayan ng Buhi sa pinagkukunan ng suplay ng tilapia ng Naga City People’s Mall o merkado publiko ng Naga City at iba pang mga karatig bayan. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via LGU Buhi, photo credits to the owner)

Leave a Reply