Iriga: Nakahanda na ang Bicol Medical Center na tumanggap ng mga fireworks-related injuries sa pagsalubong ng 2025

    0
    9
    photo courtesy of DOH Bicol CHD

    As of December 31, nasa lima (5) na ang naitalang fireworks-related injuries sa ospital kung saan apat dito ay dahil sa boga o improvised firework habang isa naman ang dahil sa five-star na parehas ipinagbabawal na paputok.

    Sinabi ni Dr. Quennie A. Fernandez, Medical Officer IV ng BMC Emergency Department, sa DOH Press Conference na ang BMC ay may kagamitan at handang tumugon sa anumang insidente na may kinalaman sa paputok.

    Ipinakita ng BMC sa media ang mga kagamitan at pasilidad ng BMC emergency room nitong December 27.

    Patuloy na nagpapa-alala ang Department of Health Bicol sa publiko na iwasan at ilayo ang sarili at mga mahal sa buhay sa pinsala at aksidente mula sa paggamit ng paputok. Gumamit ng alternatibong paraan ng pag-iingay tulad ng torotot, lata, kaldero o manood ng community fireworks display para Iwas Paputok! (DOH5/DDC)

    #IwasPaputok #DOHBicol

    (Source: DOH Bicol CHD)

    Leave a Reply