Base sa assessment ng lokal na pamahalaan ng Naga matapos maapektuhan ng Bagyong Uwan nitong Linggo, naitala ang ilang minor damages sa mga bahay dahil sa lakas ng hangin. Ayon kay Mayor Leni Robredo, naging ‘manageable’ rin ang baha. Kumpara sa Bagyong Kristine noong 2024, mas mabilis bumaba ang taas ng tubig na dulot ng Uwan.
Sa ngayon, patuloy na sinisikap ng LGU na tignan pa ang pagpapaayos ng mga drainage systems at pagpapalalim ng mga kanal sa mga barangay na madalis bahain upang maiwasan ang malalang epekto para sa mga residente.
Full force aniya ang LGU kasama ang Engineering Department at isang task force sa pagsugpo ng baha sa mga susunod pang bagyo.
Dagdad pa ng alkalde, bilang isa ang flood-control projects sa may pinakamalaking bahagi ng pondo ng kanilang lungsod sa 2026, pagtutuunan ng pansin ng LGU ang pagsasaayos ng mga proyekto na angkop sa pangangailangan at sitwasyon ng lungsod, para sa ikabubuti ng mga Nagueño.
Source: PIA Camarines Sur
