Iriga: Miss Bekilandia ng AKB Partylist, kasado na

0
20
photo courtesy of AKB Partylist

Kasabay ng selebrasyon ng 28th Rodeo MasbateƱo Festival, ikakasa ng Ako Bicol Partylist ang Miss Bekilandia 2024.

Magtatagisan ng ganda at talento ang 10 kandidata para sa titulo na gaganapin sa Abril 08, 2024, 7:00 ng gabi sa Rodeo Arena.

Ang kokoronahang Miss Bekilandia ay mag-uuwi ng 10,000 pesos, ang first runner-up ay mag-uuwi naman ng 6,000 pesos.

Ang second runner-up ay makakatanggap ng 3,000 pesos at makakatanggap naman ng 1,000 pesos na consolation prize ang hindi pinalad.

Mayroon ding special awards na igagawad tulad ng Best in Production Number, Best in Talent, Best in Swimsuit, Best in Long Gown, at Miss Photogenic.

Layunin ng Miss Bekilandia 2024 na ipakita hindi lamang ang kagandahan at talino ng mga miyembro ng LGBTQ+ community kundi pati na rin ang pagiging inklusibo sa lipunan. (Emman Lumapag)

Leave a Reply