Iriga: Mga irigasyon sa Rinconada area, nasa critical level na dulot ng El Niño – NIA Bicol

0
30
photo courtesy of NIA Bicol

Dahil sa nararanasang El Niño phenomenon sa bansa, nasa critical level na rin ang mga irigasyon sa Rinconada District ng Camarines Sur.

Inihayag ni Ma. Cleofe Baraero, tagapagsalita ng National Irrigation Administration (NIA) Bicol na mismong ang communal irrigation system mula sa Rinconada area partikular ang bayan ng Balatan, Baao at Buhi ang humihingi na ng tulong sa NIA Bicol.

Nasa critical level na ang water level ng mga pinagkukunan ng tubig ng nasabing irigasyon, ayon pa kay Baraero.

Kaugnay nito, nagpaabot na ng agarang tulong ang ahensya sa pamamagitan ng pagpahiram ng mga augmentation pump sa mga magsasaka upang masolusyunan ang kinakaharap na tagtuyot sa mga lupang sakahan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang monitoring ng NIA Bicol sa iba pang probinsya sa rehiyon na apektado ng El Niño. (Emman Lumapag)

Leave a Reply