Iriga: 2 lalaki sa Lagonoy, Camarines Sur, patay matapos mahulog sa balon

0
8
photo courtesy of BFP Lagonoy

Patay ang dalawang lalaki matapos ang mga itong mahulog sa isang balon sa Barangay Pinamihagan, Lagonoy, Camarines Sur nitong Marso 8, 2024.

Kinilala ang mga biktima na sina Eddie Gonzaga, 60-anyos, at Floredo Osela, 44 taong gulang.

Sa imbestigasyon ng Lagonoy Police, bumaba sa balon si Eddie upang tingnan kung kailangan na itong linisan ngunit hindi nito kinaya ang amoy sa ilalim kaya nagtangkang umakyat muli ngunit nawalan umano ito ng malay kaya bumagsak sa tubig.

Sinubukan pa sanang sagipin ang biktima ni Floredo ngunit nahulog din ito sa balon na may lalim na aabot sa 20 talampakan.

Agad na rumespunde ang kawani ng BFP Lagonoy upang maiahon ang bangkay ng mga biktima. (Emman Lumapag, RPN DZKI Iriga)

Leave a Reply