(Legazpi City, June 14, 2025) Opisyal nang nai-turn over ng Pamahalaang Lokal ng Albay ang mga dokumento kay Governor-elect Noel E. Rosal nitong Biyernes, ika-13 ng Hunyo sa Governor’s Guest House (GGH), Legazpi City.
Ito ay sa pamamagitan ng katatapos lamang na formal turnover ceremony na pinangunahan ng transition team ni outgoing Governor Baby Glenda Ong Bongao at Governor-Elect Rosal bilang paghahanda sa pagpapalit ng administrasyon sa darating na Hulyo.
Kabilang sa mga dokumento na nai-turn over na ay ang annual budget for FY 2024, annual procurement plam FY 2025, governance assessment report (GAR) 2024 at accomplishment reports ng iba’t-ibang departmento ng PGA.
Ayon sa transition team ni Governor-elect Rosal, re-repasuhin muna ng mga dokumentong naipasa kabilang ang mga planong nakapaloob dito.
Samantala, magpapatuloy pa rin ang transisyon ng mga dokumento hanggang sa katapusan ng buwan, subalit kung mayroong katanungan ay magpapatawag na lamang ng pagpupulong.
Pormal namang uupo bilang Gobernador ng lalawigan si Rosal sa ganap na alas-12 ng tanghali sa Hunyo 30.
Source: Albay PIO
