35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Iriga: Mataas Na Recoveries Sa COVID-19 Naitala Sa Bicol Region Ngayong Araw

- Advertisement -

Bicol Region – Nagtala ng record high na bilang ng mga bagong gumaling sa COVID-19 ang Bicol region na umabot sa 850.

466 nito ay mula sa Camarines Sur, 292 sa Legazpi City, 33 sa Sorsogon, 29 sa Masbate, 21 sa Catanduanes at siyam sa Naga City kung kaya sa kabuuan ay umabot na sa 32,067 ang total recoveries.

Samantala, pumalo na rin sa 44,004 ang total confirmed cases ng sakit sa rehiyon matapos magtala ng 141 na mga bagong kaso.

50 ang mga bagong kaso sa Catanduanes kung saan 21 nito ay sa Virac,  11 sa San Andres, tig-aapat ang Baras,  Bato at San Miguel, tigdalawa ang Pandan at Viga at tig-isa ang Bagamanoc at Gigmoto.

46 ang bagong kaso sa Albay kung saan 12 nito ay mula sa Tabaco City, 11 sa Ligao City, sampo sa Legazpi City, tatlo sa Polangui, tigdalawa ang Daraga at Malilipot at tig-iisa ang Bacacay, Guinobatan, Manito, Pio Duran, Sto Domingo at Tiwi.

25 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 14 nito ay mula sa Naga City, tigdalawa ang Calabanga at Milaor at tig-iisa ang Cabusao, Goa, Iriga City, Libmanan, Nabua, Sagñay at Tinambac.

Sampo ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Daet, tigdalawa ang Basud at San Lorenzo Ruiz at tig-isa ang Labo at Talisay.

Siyam ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan apat ang mula sa Sorsogon City, tigdalawa ang Gubat at Irosin at isa sa Pilar habang may isang kaso naman ang Masbate na mula sa San Jacinto.

Pumalo na rin sa 1,423 ang death toll matapos magtala ng 13 na panibagong nasawi kung saan anim nito ay mula sa Camarines Sur, tigtatlo ang Sorsogon at Naga City at isa sa Masbate.

(Source: Bicol News)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -