Iriga: Malawakang Medical Mission sa probinsya ng Masbate, isinagawa

0
5

Sa pangunguna ng medical teams mula sa Provincial Health Office (PHO) ng Gobyerno Probinsyal ng Camarines Sur, nagsagawa tayo ng malawakang medical mission sa Barangay Nursery at sa Masbate Provincial Hospital.

Bahagi ang inisyatibong ito sa ating layuning maghatid ng agarang tulong medikal sa mga komunidad sa probinsya ng Masbate na labis na naapektuhan ng nagdaang Bagyong #OpongPH.

Dala ng ating medical teams ang mga mobile health equipment ng Kapitolyo gaya ng Women’s Wellness on Wheels, Express Lab on Wheels, at Dental on Wheels. Gamit ang mga ito, nakapag-avail ang mga residente ng iba’t ibang serbisyong medikal tulad ng libreng medical at dental check-up, tooth extraction, X-ray, ultrasound, CBC, urinalysis, at blood chemistry. Nakapamahagi rin tayo ng mga gamot at bitamina, at mga maintenance medicines para sa mga pasyenteng nangangailangan.

Araw-araw, iba’t ibang barangay sa Masbate ang pinupuntahan ng ating medical teams upang magsagawa ng medical mission at ilapit ang tulong pangkalusugan na kinakailangan nila.

Source: Province of Camarines Sur

Leave a Reply