Iriga: Makulay na Parada, tampok sa pagbubukas ng Palarong Panlungsod

0
6

 

Iwinagayway ang iba’t ibang bandila ng mga kalahok sa parada ng Palarong Panlungsod 2025 bilang tanda ng suporta at sportsmanship sa opisyal na pagbubukas ng palaro na tatakbo mula Pebrero 17 hangang 19 sa iba’t ibang palaruan sa Lungsod ng Iriga.

Maayos na pinangunahan ang parada ng Philippine National Police Marshal at sinundan naman ito ng iba’t ibang manlalaro at tagapagsanay mula sa Iriga City Association of Private Schools (ICAPS), Central District, North District, south District, Central- Secondary, South Secondary, North-Secondary at mga officiating officials.

“Through the division memorandum led by Ma’am Mavic, we had series of meetings and final meeting…” ani ni Dindo Zoilo Ibarreta, principal I ng Sagrada ES, focal person ng parada.

Sinamahan din ang parada ng mga banda at majorette ng mga paaralan mula sa iba’t ibang district na naging daan upang maging masigla ang okasyon.

“Okay naman na hapon ang simula, para hindi masyadong mainit compared ‘pag umaga”, sabi John Edcel Borac, technical official badminton.

Inikot ang buong sentro ng Iriga upang Ibida ang kani-kanilang pambatong manlalaro mula sa iba’t ibang district.

Unang Sulyap

Nasaksihan din ang naggagandahang Lakan at Mutya ng Palaro sa kanilang manlalarong kasuotan sakay sa mga makukulay na float.

“To add color naman sa ating palaro kaya nagkaroon tayo ng Lakan at Mutya”, wika ni Ma. Genoviva Quiano, division sports coordinator.

May plano pang ulitin ang parehong gawain sa susunod na Palarong Panlunsod, dagdag pa ng division sports coordinator.

Ang nakalap na pondo mula sa nabanggit na patimpalak ay nakalaan sa mga gastusin sa Palarong Bicol.

Matagumpay na Parada

Sa kabuoan, naging maayos ang daloy ng parada dahil sa kooperasyon ng bawat komite ng Palarong Panlungsod 2025.

Nakiisa rin ang SASHS Rover Scouts upang mapanatili ang kalinisan ng lugar sa pamamagitan ng kanilang clean-up drive.

“Pinupulot po namin ang nagkalat na mga basura para mas malinis po ang venue” ani Angela – rover scout.

Samantala, sinabi ni Dr. Noel Cabaltera, chief ng SGOD, na naging makulay at maayos ang palatuntunan at parada dahil sa partispasyon ng iba’t ibang paaralan.

“So far, maganda dahil nasunod ang oras at maganda ang pagkakasunod-sunod ng parada” ani ni Milany Corporal, head teacher ng Sta. Cruz Norte Elementary School.

Inaasahan na sa susunod na Palarong Panglungsod ay magaganap muli ang isang paradang maayos, makulay at maganda.

Source: Lungsod Ng Iriga

 

Leave a Reply