Baguio City – Muling nagpaalala ang Alkalde ng lungsod ng Baguio na si Benjamin Magalong sa publiko na manatiling mapagmasid at sumunod sa hakbang upang makaiwas sa sunog. Kanya itong sinabi dahil sa patuloy ang lungsod sa pagkaranas ng sunod sunod na serye ng mga insidente ng sunog.
Hinikayat din ng Alkalde ang madla na magkaroon ng fire extinguishers upang sa ganon ay masawata ang paglaki ng sunog sa inyong lugar. Nagpaalaala din siya sa publiko lalong lalo na sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak na mga bata na naglalaro ng posporo o nakakasunog na bagay upang sa ganon ay makaiwas sa pagkakaroon ng sunog. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PIO-Baguio)
