Iriga: Mahigit Php692K halaga ng shabu, nasabat sa PNP buy-bust operation; 3 HVI, arestado

0
8
photo courtesy of PNP Kasurog Bicol

Mahigit Php692K halaga ng shabu ang nasabat sa tatlo (3) na High Value Individual sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok 4, Phase 2, Barangay San Roque, Tabaco, City nito lang ika-17 ng Hunyo, 2024.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Brad”, 37 anyos, mangingisda; “Alex”, 45- anyos at “Belle”, 40- anyos, may asawa at parehong kabilang sa High Value Individuals.

Bandang 4:05 ng hapon ng isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Tabaco City Police Station at Albay Maritime Police Station sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO5.

Narekober sa mga suspek ang ilegal na droga na tumitimbang ng humigit kumulang na 101.79 na gramo na may street value na Php692,172.

Ang naarestong mga suspek ay nasa pangangalaga na ng Tabaco CPS at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Hindi tumitigil ang PNP Bicol sa kampanya upang masugpo ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan upang mapanatili ang katahimikan sa buong rehiyon para sa ikakaunlad ng Bagong Pilipinas.

(Source: PNP Kasurog Bicol)

Leave a Reply