Iriga: LGU Buhi at SSS pumirma ng MOA

0
18

Sa layunin na matupad ang mandato ng gobyerno na mabigyan ng kaukulang benepisyo at proteksyon ang mga mangagawa, lalo na sa pribadong sektor at mga job order ng LGU Buhi,  nagkaraon na kasunduan ang LGU Buhi at Social Security System (SSS) Iriga Branch sa ilalim ng isang Memorandum of Agreement (MOA). Ang MOA, na nilagdaan nitong ika-4 ng Setyembre 2023 sa Sangguniang Bayan Session Hall, ay naglalaman ng kasunduan para sa kapakanan ng mga job order (JO) at contract of servicei (COS) ng LGU Buhi.

Nakasaad din sa usapan ang pagkakaroon ng mobile/satellite office ang SSS sa Sangguniang Bayan Session Hall tuwing una at ikalawang Biyernes ng buwan mula alas-otso ng umaga (8:00 a.m.) hanggang alas-singko ng hapon (5:00 p.m.)

Ang MOA signing ay pinangunahan ni Mayor Rey P. Lacoste, kasama si Vice Mayor Jofred Balagot, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, HRMO Beethoven Nachor, at mga tauhan ng SSS—Maria Gracia I. Ibarrientos-Sanao, Maria Janeth H. Ebuenga, Gerald Francis Almelor Arrabis.

Ang mga miyembro ng SSS ay makatanggap ng kaukulang benepisyo tulad ng sickness, maternity, disability, retirement, death, salary loan, multi-purpose loan, at iba pa.

Sa layuning mailapit ang serbisyo ng SSS sa publiko, ang gagawing satellite office at magpapadali ng mga transaksyon tulad ng pagrehistro, pag-update ng hulog, o magbayad ng kanilang loans.  Madali ring masasagot ang mga katanungan ng mga miyembro sa anumang aspeto ng SSS.

Bago pa ang nasabing MOA signing, nauna ng nagsagawa ang SSS ng Information Seminar noong ika-11 ng Agosto 2023 sa Millennium Center para sa mga JO at COS employees ng LGU Buhi na kung saan ay inilatag ng nasabing ahensya ang mga programa at impormasyon para sa mga nais maging myemro at mga benepisyo ng social security system. (Mary Grace O. Cervantes, photo courtesy by Hon. Catherine M. Martinez)

(Source: LGU Buhi)

Leave a Reply