Friday, May 3, 2024

Iriga: Lalaking may kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide, Arestado!

- Advertisement -

Sa pinaigting na kampanya ng Baao Municipal Police Station laban sa mga taong pinaghahanap ng batas, arestado ang isang lalaki sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Leah Angelie B Vasquez -Abad, presiding judge MTCC, 4th Judicial Region, Calamba City Laguna.

Ang Tracker Team ng Baao Municipal Police Station, sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ DIVINO JOHN B PELEA, OIC ay nagsagawa ng Manhunt Charlie Operation upang tugisin at iharap sa hukoman ang mga taong nagkasala sa batas at sa paghain ng Warrant of Arrest na pinalabas ng korte sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide na may Criminal Case number 60626-15. Dakong 10:00 ng umaga nitong January 4, 2023 ay huli sa Barangay San Ramon, Baao, Camarines Sur ang isang suspek na lalaki, 29 taong gulang, may asawa, isang mangagawa at kasalukuyang residente ng Zona-6, Brgy. San Isidro, Baao Camarines Sur at may inirekomendang piyansa na nagkakahalagang Php 30,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan;

Ang arestadong suspek ay kasalukuyan nasa kostudiya na ng Baao Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon. (JV Navarro Verdeflor Jr.)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img