Iriga: Lalaking may kasong grave threats, arestado!

0
9

Sa pinaigting na kampanya ng Baao Municipal Police Station laban sa mga taong pinghahanap ng batas, arestado ang isang lalake sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte.

Ang Tracker Team ng Baao Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ. DIVINO JOHN B. PELEA, Officer-in-Charge, ay nagsagawa ng Manhunt Charlie Operation upang tugisin at iharap sa hukom ang taong nagkasala sa batas. Sa paghain ng Warrant of Arrest na pinalabas ng Acting presiding judge ng Municipal trial Court 5th Judicial Region, Baao, Camarines Sur sa kasong Grave Threats, bandang 10:00 ng umaga nitong Marso 6, 2023 ay inaresto ng mga operatiba ng Baao MPS sa kaniyang inuuwiang bahay si aka Kevin, 28 taong gulang, binata, walang trabaho at residente ng Brgy. San Vicente Baao Camarines Sur.

Ang nasabing kaso ay may inirekomendang piyansa na nagkakahalagang Php 36,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang arestadong suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Baao Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyun.

Hinihikayat ng Baao Municipal Police Station ang taumbayan na patuloy na makiisa sa mga layunin nitong gawing mapayapa at maayos ang ating bayan sa pamamagitan ng pagsugpo sa kriminalidad at anumang illegal na gawain. Kung kaya ay huwag po tayong mag-atubiling magbigay ng impormasyon ukol sa mga taong pinaghahanap ng batas.

Hinihikayat din natin ang sinumang may Warrant of Arrest na sumuko na upang patunayan nila sa korte na handa nilang harapin anumang inaakusa laban sa kanila. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via Baao MPS CSPPO)

Leave a Reply