31.1 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Iriga: Lalaki sa CamSur sinaksak matapos di makapagbayad ng utang

- Advertisement -

Dahil sa hindi nabayarang utang na 200 pesos, sugatan ang isang lalaki matapos itong pagsasaksakin sa Tigaon, Camarines Sur madaling araw nitong Marso 15.

Ang biktimang kinilalang si alyas “Dante”, inundayan ng saksak ng suspek na si “Rico” habang ito’y nagduduyan sa kanilang bahay sa Brgy. Salvacion ng nasabing bayan.

Bago ang insidente, sinisingil umano ng suspek ang biktima sa utang nitong P 200.00. Nang hindi ito makapagbayad, dito na inundayan ng saksak ng suspek ang biktima.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima para sa atensyon medikal.

Tinutugis na ngayon ng mga otoridad ang kinaroroonan ng suspek. (Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -