Iriga: Kauna-unahang PEDS Forum para sa mga 4Ps school coordinator, isinagawa sa Camarines Norte

0
16
photo courtesy of DSWD Bicol

Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V, Municipal Operations Office ng Capalonga, Camarines Norte ang kauna-unahang pagtitipon ng mga kawani mula sa Department of Education – Capalonga District para sa isang partnership engagement na pinamagatang “Partners in Empowerment & Development (PEDs) Forum for Pantawid School Coordinators”.

Layunin ng nasabing pagtitipon na maipaabot ng mga kawani ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang layunin at hangarin ng programa para sa mga benepisyaryo nito pati na rin ang tungkulin ng Kagawaran ng Edukasyon bilang isa sa mga katuwang na ahensya ng DSWD para rito.

Nagkaroon ng malawakang talakayan at pagpapaliwanag mula sa mga kawani ng DSWD. Nagkaroon din ng pag-uusap para sa mga katanungan at suhestiyon kung paano mapapabuti ang serbisyo para sa mga sambahayan at mag-aaral na 4Ps.

Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga Pantawid School Coordinators, Heads, Principals, at Representatives mula sa 22 barangays ng bayan ng Capalonga.

Sa pangunguna ng OIC-PSDS ng Capalonga District na si Ms. Juliet Dela Cruz, nagkaroon ng Commitment Setting sa pagitan ng DepEd at DSWD para sa mas pinaigting na pagbibigay ng serbisyo para sa lahat ng benepisyaryo ng Pantawid na mga mag-aaral.

(Source: DSWD Bicol)

Leave a Reply