Iriga: Karagdagang 35 pesos sa Daily Minimum Wage ng mga bikolanong manggagawa, ipapatupad na sa June 18

0
207

Ipapatupad na sa June 18, 2022 ang unang tranche ng naaprubahan na dagdag na ₱ 55 sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa kabikulan. Mula sa ₱ 310 ay magiging Php345 na ang daily minimum wage mula June 18.

Visit RPN DZKI Iriga

Ang ikalawang tranche o dagdag na ₱ 20 naman ay ipapatupad sa December 1, 2022 at magiging ₱ 365 na ang daily minimum wage.

Aminado naman si Dante Espinas, ang Labor Representative sa ginawang pagpupulong para sa wage adjustment na mababa pa rin ang ₱ 55. Nubenta pesos (₱ 90) raw ang orihinal nilang hinihingi na wage increase pero kinailangan na magkaroon ng win-win solution para sa mga manggagawa at sa mga employers.

“Hindi ito panalo ng labor sector kundi ito’y panalo ng lahat ng sektor sa atin, so I hope na by next year sana magkaroon naman ng wage increase para macope up natin yung Philhealth na Php400 na dagdag”, ani Espinas

Ayon naman kay Regional Director Ma. Zenaida Angara-Campita ng Department pf Labor and Employment Bicol, isa ang Bicol sa may pinakamataas na wage increase ngayong taon kumpara sa ibang rehiyon. Pinakamababa raw dati ang minimum wage ng Bicol pero dahil sa dagdag na ₱ 55 ngayon ay halos pumaparehas na ito sa ibang rehiyon.

Aminado naman sila na mababa pa rin ang ₱ 365 pero kailangan rin na isaalang-alang ang mga kumpanya na kasama rin na naapektuhan ng dalawang taon na pandemya. “Together with the members of the Board, we also looked into the Consumer Prices Index in the Region that rose to 117.6 in April 22, the Poverty Threshold as well as the purchasing power of the Peso before we came up with the ₱ 55.00 increase to be given in two tranches”, ani Campita.

Samantala, ang minimum wage para sa mga domestic workers sa buong Bicol ay ₱ 4000 na mula sa June 18. Inalis na ang klasipikasyon kung saan mas mataas ang minimum wage ng mga domestic workers sa chartered cities at first class municipalities kumpara sa mga nagtatrabaho sa second hanggang fifth class municipalities.

(Source: DOLE Bicol)

Leave a Reply