Nitong Marso 4, 2024, ay nagpasyang sumuko ang isang miyembro ng CTG sa ilalim ng SRYG, SCR3 (PSR Listed) na si Alyas Anak, 25 taong gulang.
Ang kanyang pagbabalik loob ay naisakatuparan dahil sa mahusay na negosasyon sa tulong ng 2nd PMFC, SORPPO (lead unit), sa ilalim ng direktang pangagasiwa ni PCOL ALEX C DANIEL, Provincial Director, SORPPO, katuwang ang 92SAC, 9SAB, PNP SAF, PIU SORPPO, 22IB PA at Bulan MPS.
Isinuko rin ng nasabing rebelde ang dalawang (2) Rifle Propelled Grenade (RPG) at isang (1) Improvised Hand Grenade/IED.
Nasa kustodiya na ng Bulan MPS ang nasabing personahe at sasailalim sa ECLIP Program ng pamahalaan para sa nalalapit nitong pagbabagong buhay.
Source: Sorsogon PPO
