IRIGA: Institusyunalisasyon ng Daraga Internal Audit Service, aprubado na sa Albay SP

    0
    0

    (Legazpi City, August 25, 2026) Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay ang Municipal Ordinance No. 028-2026 ng Daraga na nag-i-institutionalize sa Daraga Internal Audit Service (DIAS).

    Sinuri ang naturang ordinansa sa pangunguna ni 1st District Board Member, Committee on Laws, Rules and Oversight Chairperson Atty. Sheina Marie Onrubia-Dela Cruz.

    Ang DIAS ay internal audit at advisory service ng Pamahalaang Bayan ng Daraga na may tungkuling suriin ang mga sistema, operasyon, internal controls, at management practices ng lokal na pamahalaan.

    Inaasahang makatutulong ang DIAS sa pagtukoy ng mga maaaring pagbutihin sa operasyon, pamamahala, paggamit ng pondo, at paghahatid ng serbisyo ng lokal na pamahalaan.

    Binigyang-diin sa pagsusuri na mananatiling hiwalay ang tungkulin ng DIAS sa constitutional authority ng Commission on Audit (COA) at hindi nito papalitan o pakikialaman ang mandato ng ahensya.

    Nakasaad din na ang pagbuo ng mga posisyon, staffing pattern, salary grades, at qualification standards ng DIAS ay dapat sumunod sa mga panuntunan ng Department of Budget and Management (DBM) at Civil Service Commission (CSC).

    Layunin ng Daraga na mapalakas ang internal controls, transparency, accountability, at mahusay na pamamahala sa loob ng lokal na pamahalaan.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply