Iriga: Honest e-trike driver sa Naga City, kinilala

0
216

Pinarangalan ng lokal na pamahalaan ng Naga City ang electric tricycle driver na si Santos “Abba” delos Martirez Flores nitong Lunes.

Ito’y matapos na personal na isauli ni ‘Abba’ sa pasahero niya ang naiwan nitong bag na naglalaman ng higit P22,000 at tseke na nagkakahalaga ng nasa P1.5-million, bago pa umuwi ng bahay sa Bgy. Sta. Cruz.

Kwento niya, bagamat umaabot lang sa P300 hanggang P500 ang kinikita niya sa araw-araw na pamamasada para sa asawa’t 4 na anak, hindi umano siya nagdalawang-isip na ibalik ang bag sa may-ari.

Mas nangibabaw umano sa kanya ang awa at pag-aalala sa sasapitin ng may-ari ng bag na posibleng isang simpleng empleyado lamang din at walang pang-abono sa nawalang pera.

Ayon sa city government, ang mga matapat na NagueƱo tulad ng e-trike driver na si ‘Abba’ ang tunay na yaman na ipinagmalaki ng lungsod.

“Sa ngalan ng lahat ng NagueƱo, proud kami saiyo, Abba! Nawa’y tularan ka ng marami! Mabuhay ka!”, ani Mayor Nelson Legacion sa wikang Bikol sa isang Facebook post.

Source: Bicol PH

Photo courtesy: Naga City Government

Leave a Reply