Ipinagdiriwang ng higit sa 18 libong mga guro na sakop ng Camarines Sur Schools Division Office sa Freedom Sports Complex San Jose, Pili, Camarines Sur, ang WORLD TEACHER’S DAY.
Pagpupugay ang selebrasyon sa mga itinuturing na ‘unsung heroes’.
Dumalo sa padiriwang si Governor Luigi Villafuerte kasama si Yassi Pressman at Vice Governor Sal Fortuno Jr.
Bukod sa pagsaludo sa mga guro, ibinida rin ng gobernador na higit 1000 ang gurong scholar at kumukuha ng masters degree sa probinsya.
May nakatalaan ding 100 milyon pisong budget para sa educational assistance ngayong taon at ang naaprubahang 5000 pesos na dagdag allowance ng mga guro.
Sisikapin naman nina 1st District Representative Hori Horibata, 2nd District Representative Lray Villafuerte at 5th District Representative Migz Villafuerte na madagdagan pa ang mga benipisyong ito sa susunod na taon.
(Source: Camsur News)