29.7 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Iriga: Halos labing dalawang libong miyembro ng AFP at PNP, nakadeployed na sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon Bicol upang maglatag ng seguridad sa darating na eleksyon

- Advertisement -

Aabot sa labing dalawang libong (12,000) mga personahes mula sa iba’t-ibang units sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang naatasang maglatag ng seguridad sa buong kabikulan para sa darating na national at local elections sa Mayo a-nwebe.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon kay Maria Juana Valeza, Commission on Elections (COMELEC) Bicol Election Director, nasa labing isang libo siyam na raan pitumput apat (11,974) na state forces mula sa kasundaluhan at kapulisan ang nakadeploy na sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa anim na probinsya sa rehiyon sa araw ng halalan.

Mananatili sila sa kani-kanilang areas of assignment hanggang sa paglabas ng mga resulta ng eleksyon.

Ayon kay Major General Alex Luna, 9th Infantry Division Commander, Philippine Army, nasa apat na libo dalawamput dalawa (4,022) na personahe mula sa Army, Navy at Air Force na nakadeployed na sa iba’t-ibang lugar.

Sinabi naman ni General Mario Reyes, PRO5 Regional Director, ang deployment ng pitong libo siyam na raan limamput dalawang (7,952) police officer ay magtitiyak ng kaligtasan, ng mga botante, mga kandidato at board of election inspectors (BEI).

Samantala, nagpasalamat naman si Valeza sa tropa ng pamahalaan dahil sa kanilang serbisyo at dedikasyon na maprotektahan ang ating mga kababayan partikular na ngayong eleksyon.

(Source: PR05)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -