Pormal nang manunumpa sa kaniyang tungkulin bilang punong ehekutibo ng lalawigan ng Albay si Governor-elect Noel E. Rosal ngayong araw, ika-28 ng Hunyo.
Gaganapin ang inagurasyon at panunumpa ganap na alas-otso y media ng umaga sa Albay Astrodome na sisimulan ng isang banal na misa na pangungunahan ni Legazpi City Bishop Most Rev. Joel Z. Baylon, DD.
Pangungunahan ang naturang seremonya ni Supreme Court of the Philippines Associate Justice Jhosep Y. Lopez bilang inducting officer.
Samantala, manunumpa na rin sa kanilang mga tungkulin ang mga elected at re-elected na opisyal sa buong lalawigan ng Albay kasama ang kani-kanilang pamilya bilang suporta sa mga ito.
Opisyal na magsisimula ang kanilang panunungkulan sa Lunes, ika-30 Hunyo sa ganap na alas-12 ng tanghali.
Source: Albay PIO
