Mas pinaigting ni Governor Boboy Hamor ang implementasyon ng 7K Plus Program sa lalawigan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng Kadunungan Program at paglalatag ng mas matibay na hamon sa mga paaralan para sa mas de-kalidad na edukasyon sa Sorsogon.
Bilang bahagi ng inisyatibang ito, ilulunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ang 7K Champions Program, isang bagong programa na naglalayong kilalanin at itaguyod ang kahusayan ng mga paaralan sa pamamagitan ng pagsusulong ng kalinisan, sustainability, school beautification, at holistic development ng mga mag-aaral.
Ayon kay Governor Hamor, layunin ng programa na mahikayat ang mga paaralan na panatilihin ang malinis, luntian, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto, kasabay ng pagpapalakas ng partisipasyon ng mga mag-aaral, paglinang ng kanilang pagkamalikhain, at mas aktibong ugnayan sa komunidad.
Isasakatuparan ang 7K Champions Program sa pamamagitan ng apat na pangunahing provincial challenges, na magsisilbing batayan sa pagpili at pagkilala sa mga natatanging paaralan:
• Gawad sa Kalinigan sa Paaralan – promotion of cleanliness, proper sanitation, and waste management within school premises
• Gulayan sa Masaganang Paaralan – establishment and sustainability of school gardens to support nutrition and food security
• Bida Kagandahan sa Paaralan – school beautification, landscaping and creation of child-friendly learning developments
• Drum and Lyre Competition – development of students musical skills, discipline, teamwork and school spirit
Bilang dagdag-insentibo, naghihintay ang cash prizes mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon para sa mga paaralang magwawagi sa bawat kategorya.
Sa pamamagitan ng 7K Champions Program, inaasahang mas mapapalakas ang pakikipagtulungan ng mga paaralan, magulang, at komunidad, habang patuloy na isinusulong ng administrasyon ni Governor Boboy ang adbokasiya para sa mas mataas na kalidad ng edukasyon at mas maayos na kapaligiran sa pagkatuto sa buong lalawigan ng Sorsogon.
Source: Sorsogon Provincial Information Office- SPIO
