Iriga: Gob. Lagman, target na makapasok ang Albay sa Top 3 ng Cities and Municipalities Competitiveness Index

0
8
photo courtesy of Albay PIO

Target ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Albay na mapabilang ang lalawigan sa Top 3 ng Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).

Ngayong taon, nang magtala ng kasaysayan ng Albay bilang kauna-unahang lalawigan sa Rehiyong Bicol na makapasok sa Top 10 kung saan umangat ito sa ranked 9th mula sa ika 14 na puwesto noong 2022 at ika-11 naman noong 2023.

Ayon kay Gobernador Grex Lagman, gagawin nito ang lahat sa kanyang panunungkulan para sa Setyembre sa susunod na taon ay mapabilang na ang Albay sa Top 3.

Magiging katuwang nito ang Focal Persons at mga chief executives mula sa 15 bayan at 3 lungsod sa lalawigan, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna ng Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO).

“Under my leadership as Governor—- will do our best for our beloved province to place in the Top 3. This is our common goal para po sa tunay na paguswag na hale sa baba (micro, small and medium enterprises) pasakat po sa mga darakulang industriya,” bahagi ng pahayag ng gobernador.

Ang pagkakapasok ng Albay sa Top 10 ay inaasahan na magbubukas ng maraming oportunidad partikular sa mga Albayano at pagpasok ng mas maraming mga investors para mamuhunan sa lalawigan.

Ang CMCI ay ang taunan na ranking na denevelop ng National Competitiveness Council katuwang ang Regional Competitiveness Committees (RCCs) at suporta mula sa United States Agency for International Development (USAID).

Sinusuri nito ang mga local government units (LGUs) sa buong Pilipinas sa sa limang ‘key pillars of competitiveness’ kabilang na ang economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency, at innovation.

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply