Iriga: DTI Bicol, ibinahagi sa Business Owners at mga konsyumer ang kahalagahan ng Price tag

0
245

Iriga City – Ibinahagi ng Department of Trade and Industry (DTI) Bicol sa mga business owners at mga konsyumer ang kahalagahan ng price tag sa ginanap na ‘Usapang Trade sa FB’ na pinangunahan ng nasabing ahensya.

Visit RPN DZKI Iriga

Ayon kay Ruben Sumbon, Division Chief of Consumer Protection ng DTI Bicol, may kahalagahan ang price tag sa merchants, retailers, at maging sa mga konsyumer.

Aniya, sa pamamagitan ng price tag, magkakaroon ng pagkakataong mamili ng produktong bibilhin ang mga konsyumer base sa budget na mayroon sila.

Samantalang sa business owners naman ay maaaring gamitin ang price tag sa kanilang promotion na kung saan agad nilang maipapakita ang presyo ng kanilang mga produkto.

Dagdag pa nito, maaari ring gamitin ng business owners ang price tag para sa inventory at monitoring ng kanilang mga produkto.

Inabisuhan din ni Sumbon ang mga konsyumer na agad na ipagbigay-alam sa malapit na DTI offices at negosyo centers ang mga tindahan na hindi naglalagay ng price tag sa mga produkto nito

(Source: Bicol News & Updates)

Leave a Reply