Kasalukuyang nagsasagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) Albay ng vital monitoring ng mga Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs) para sa compliance ng 60-day price freeze sa lalawigan ng Albay.
Ito ay kasunod ng malawakang pagbaha na naging hadlang sa access ng mga essential resources katulad na lamang ng delivery sa tubig, pagkain at produkto ng petrolyo sa lalawigan.
Matatandaang nanawagan si Acting Governor Baby Glenda Ong Bongao sa DTI ng intervention dahil sa mababang supply essential goods na dulot ng mga impassable roads.
Samantala, ipinapatupad lamang ang 60-day price freeze matapos ang epekto ng matinding kalamidad na tulad ni Severe Tropical Storm (STS) Kristine base sa Republic Act. No. 7581 o Price Act.
Siniguro naman ng DTI Albay ang patuloy na monitoring ng price freeze regulations, pag-check sa supply level upang masiguro ang tamang presyo ng commodities sa lalawigan ng Albay.
(Source: Albay PIO)