32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Iriga: DepEd Bicol naghahanda na sa gagawing Regional Palaro 2024

- Advertisement -

Patuloy na ang isinasagawang paghahanda ng Department of Education (DepEd) sa Bicol sa gagawing Regional Palaro ngayong taon.

Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni DepEd Bicol Regional Director Gilbert Sadsad na halos 90 porsyento nang handa ang ahensya sa gagawing Regional Athletic Meet sa darating na Abril 27 hanggang Mayo 4, 2024 kung saan main host ang Schools Division Office (SDO) ng Legazpi at mga bayan ng Ligao, Tabaco, at Guinobatan.

Nagsagawa na rin umano sila ng inspeksyon sa mga paaralan na tutuluyan ng mga atleta sa nasabing palaro.

Kaugnay nito, magpapatawag ang ahensya ng coordination meeting kasama ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at City o Municipal Dissaster Risk Reduction and Management Council sa darating na Abril 2 para pag-usapan ang seguridad sa mga dadausan ng palaro.

Nagtakda na rin ang DepEd Bicol ng mga playing venues sa apat na bayan kung saan gaganapin ang iba’t ibang sports event.

Inaasahang aabot sa 6,000 na mga atleta kasama na ang mga coaches, assistant coaches, at chaperones ang dadalo sa palarong Bicol ngayong taon. (Emman Lumapag)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -