Saturday, May 4, 2024

Iriga: Dengue cases sa Bicol, nakakaalarma ang pagtaas ayon sa DOH

- Advertisement -

Nangangamba ang Department of Health sa patuloy na pagtaas ng bilang ng dengue cases sa Bicol.

Visit RPN DZKI Iriga

Sa pinakahuling ulat ng DOH Bicol, umabot sa 115 ang naitalang kaso sa kabikulan mula Hunyo 19 hanggang Hulyo 2, 2022 na katumbas ng 423% na pagtaas kumpara sa bilang ng dengue cases na naitala noong 2021 sa parehong panahon.

Mahigpit na binabantayan ang Camarines Sur kung saan naitala ang pinakamaraming kaso ng dengue. Meron itong 86 na kaso o 562% increase kumpara sa naitalang kaso sa parehong linggo ng nakaraang taon na mayroon lamang na 13 dengue cases.

Ang Camarines Norte naman ay may 23 dengue cases o 667% increase, sinundan ito ng Catanduanes na nagtala ng 5 kaso o 150% habang sa Sorsogon naman ay mayroong isang dengue case.

Samantala, zero dengue case ang probinsya ng Masbate at Albay. Mga batang edad 6 hanggang 10 taong gulang ang karamihan sa mga tinamaan ng dengue. Dahil dito, tumataas rin ang bilang ng admission sa mga ospital.

Naaalarma ang DOH lalupa’t panahon na ng tag-ulan at mas dumarami ang stagnant water na nagiging breeding sites ng mga lamok.

Ang sakit na dengue ay endemic sa buong bansa. Kabilang sa pagtugon ng DOH sa dengue ay ang pagpapabukas ng dengue fast lane sa mga ospital. Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa mga ahensya at lokal na pamahalaan para sa kanilang dengue brigades na mangunguna sa paglilinis ng mga komunidad.

Payo ng DOH sa publiko, panatilihin ang kalinisan sa loob at labas ng mga bahay.

(Source: Bicol PH)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img