31.6 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Iriga: Dalawang lalaking tulak ng droga, huli sa magkasunod na buy-bust operation sa bayan ng Nabua

- Advertisement -

Sa pagpasok ng bagong, dalawang magkasunod na operasyon kontra iligal na droga ang matagumpay na naisagawa ng mga personahe ng Nabua Municipal Police Station katuwang ang CS PIU, 501st RMFB, at 2nd PMFC, na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang (2) lalaki na nagbebenta ng mga illegal na droga sa bayan ng Nabua.

Sa isinagawang operasyon sa Zone 6, Topas Proper, Nabua, Camarines Sur bandang alas-8:15 ng gabi, unang araw ng Enero, 2023, nahuli si “Alyas Fred,” dalawampu’t walong (28) taong gulang, may asawa, at mula sa Santiago Old, bayan ng Nabua, sa aktong nagbebenta ng isang (1) pakete ng Shabu sa poseur buyer. Nakuha mula sa kanya ang isang (1) limangdaang piso (Php500.00) na ginamit na buy-bust money at ang isang itim na sling bag na naglalaman ng isang (1) pakete ng Shabu.

Samantala sumunod naman na buy-bust operation, nangyari dakong alas-12:45 ng hating-gabi sa Brgy. Sto. Domingo, naaresto si “Alyas Gorio,” apatnapu’t dalawang (42), taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Topas Sogod, makaraang magpanggap ng isang operatiba ng pulisya na bibili ng Ilegal na Droga sa suspek. Nakumpiska mula sa kanya ang isang (1) itim na coin purse na naglalaman ng isang (1) pakete ng shabu, at ang isang (1) limangdaang piso (Php500.00) na ginamit bilang buy-bust money.

Sa kasalukuyan, kapwa nasa kustodiya ng Nabua MPS ang dalawang suspetsado at kakaharapin nila ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.” (JV Navarro Verdeflor Jr., photo credits to the owner)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -