Iriga: Dahil sa selos, misis tinaga; ng ka-live-in partner sa loob ng bahay sa Bacacay, Albay

0
4

Patay ang 39-anyos na misis matapos siyang pagsasaksakin ng 24 na beses ng kanyang ka-live in partner sa loob ng bahay mga alas 9:00 ng gabi nitong Marso 8, 2023 sa Brgy Panarayom, Bacacay Albay.

Kinilala ang biktima na si Myla Cardano 39 anyos at residente ng barangay Panarayon, Bacacay, Albay.

Bago pa mangyari ang krimen, nagkaroon muna ng kaunting kasiyahan at salo-salo ang pamilya ni myla para sa ika 11 kaarawan ng kanyang anak.

Pasado alas 9:00 na ng gabi pagkatapos ng okasyon, dumating sa bahay ang suspek na si Jonathan Buela y Bataller, live-in partner ng biktima.

Kumatok pa eto sa pintuan ng kanilang bahay ng buksan ng biktima, ay dito na nito inundayan ng saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ng nagkailang beses.

Ayon kay PMaj. Irvin Bellen, ang chief of police ng Bacacay Municipal Police station sinubukan pa sanang tumakas ni Myla, subalit hinabol pa ito ng saksak ni Jonathan hanggang sa bawian na ito ng buhay.

Sa tulong ng nagpapatrolyang mga Brgy. tanod sa lugar, agad na nadakip ang suspek na sa ngayon ay nasa kustodiya na mga awtoridad.

Lumalabas sa imbestigasyon na SELOS ang naging dahilan kaya nagawa ng suspek ang krimen, maliban pa rito ay nangangamoy alak pa ito ng mahuli.

Napag alaman na dati ng napakulong ng biktima ang suspek dahil sa kasong pangmamaltrato o child abuse. (Jv Navarro Verdeflor Jr. via Bacacay MPS, photo credits to the owner)

Leave a Reply