Iriga: DA Bicol Namahagi ng Native Chicken at Binhi sa RIC Malinao sa Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan

    0
    2

    Ipinagdiwang ng Department of Agriculture – Regional Field Office V (Bicol) ang Buwan ng Kababaihan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga agricultural inputs sa Federation of Rural Improvement Club (RIC) ng Malinao, Albay.

    Sa pangunguna ng Albay Research and Development Center sa pamumuno ni OIC Superintendent Salvadora M. Gavino, RAgr, Ph.D. katuwang ang Albay Experiment Station sa pamumuno ni OIC Ronaldo Coprada, RAgr, matagumpay na naipamahagi ang kabuuang 200 ulo ng native chicken at mga dekalidad na binhi sa mga miyembro ng samahan.

    Ang nasabing organisasyon ay binubuo ng mga kababaihan na aktibong nakikibahagi sa mga programang pang-agrikultura at pangkabuhayan sa kanilang komunidad. Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kabuhayan ng mga kababaihan at mapataas ang kanilang partisipasyon sa sektor ng agrikultura.

    Sa pamamagitan ng mga ipinamahaging tulong, inaasahang madaragdagan ang kanilang mapagkukunan ng pagkain at kita, kasabay ng pagpapalawak ng kaalaman sa makabagong pamamaraan ng pagsasaka.

    Patuloy ang Department of Agriculture sa pagbibigay suporta at pagkilala sa mahalagang papel ng kababaihan bilang katuwang sa pagsusulong ng food security at kaunlaran sa kanayunan.

    Source: Department of Agriculture

    Leave a Reply