Iriga: DA Bicol, handa na sa posibleng epekto ng La Niña

0
7

Handa na ang Department of Agriculture (DA) Bicol sa posibleng maging epekto sa sektong ng agrikultura sa rehiyon bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan na nararanasan nitong mga nakaraang linggo.

Sinabi ni DA Bicol Regional Executive Director Rodel P. Tornilla na kung sakaling may mangailangan ng asistensya sa sektor ng argikultura dahil sa mga pag-ulan, handa umano ang ahensya na magbigay ng agarang interbensyon upang maagapan ito.

Sa ngayon umano ay naipamahagi na sa mga Local Government Units (LGU) ang mga libreng binhi para sa mga magsasaka at sinumulan na rin ang pamamahagi ng mga fertilizer discount vouchers.

Dagdag pa ni Tornilla, patuloy ang gonagawa nilang koordinasyon sa National Irrigation Administration (NIA) para sa pagsasaayos ng mga irigasyon sa rehiyon. (Emman Lumapag)

Leave a Reply