Iriga: CSC CamSur tumatanggap na ng walk-in applicants sa Fire Officer Exam

0
9
Photo courtesy by BFP R8

Inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) Camarines Sur na tumatanggap na sila ng walk-in applicants para sa mga kukuha ng Fire Officer Exam.

Sinabi ni CSC Camarines Sur Provincial Director Ma. Dolores Salud na mayroong 200 slots ang probinsya na dapat ‘di palampasin ng mga aplikante.

Kahit hindi nakapag-file online, pwede nang pumunta sa Robinsons Place Naga ang mga interisadong kumuha ng Fire examination hanggang sa Byernes, Marso 8 dala ang valid ID at CSC picture.

Ang lahat ng mga aplikante ay dapat makasunod sa hinihinging kwalipikasyon ng ahensya na dapat: mamamayang Pilipino; pasok sa lahat ng 21 hanggang 35 taong gulang sa petsa/oras ng paghahain ng aplikasyon; may mabuting moral na karakter; mentally at physically fit; hindi dapat nahatulan ng huling hatol ng isang pagkakasala o krimen na kinasasangkutan ng moral turpitude, o ng kahiya-hiya o imoral na pag-uugali, kawalan ng katapatan, iregularidad sa pagsusuri, paglalasing o pagkagumon sa droga; at dapat mayroong baccalaureate degree.

(Emman Lumapag)

Leave a Reply