Iriga: CSC Bicol hinikayat ang mga kawani ng gobyerno na makilahok sa ika 123rd Civil Service anniversary

0
8

Hinikayat ni Philippine Service Commission ang mga kawani ng gobyerno na makilahok sa kanilang ika-123rd anibersaryo ngayong buwan ng Setyembre.

Nitong Miyekules, itinampok ang Lingkod Bayanihan: Samahan, Sayawan at Saluhan ng Civil Service Commission Region 5 ang Zumba session, mga palaro at ang kauna-unahang Search for Binibining Lingkod Bayani.

Itinanghal na Bb. Lingkod Bayani 2023 si Carmela Diane B. Doma ng Department of Agrarian Reform Sorsogon Provincial Office samatalang 1st runner-up si Geraldine L. Bagadiong ng DTI Catanduanes at 2nd runner-up si Antonette M. Lazaro ng Provincial Government of Masbate.

Ayon kay CSC Bicol Director Atty. Daisy P. Bragais, layunin ng pagdiriwang na magkaisa ang mga kawani ng pamahalaan patungo sa transformation at dynamism alinsunod sa mensahe ni CSC Chair Carlo Nograles na maibalik sa publiko ang nararapat sa serbisyo.

Aniya, mayroon ding special treats at discounts para sa mga government employees ngayong Septyembre bilang pasasalamat at pagpapahalaga sa mga kawani ng pamahalaan. Dalhin lamang ang government-issued ID upang maka-avail nito.

(Source: PIA Albay)

Leave a Reply