35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Iriga: Covid-19 sa lalawigan ng Camarines Sur nadagdagan na naman nakapagtala ng 24 na panibagong kaso

- Advertisement -

Batay sa record ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office (EDMERO) kahapon na kung saan ang mga may sakit na ito ay mula sa bayan ng Nabua na may pito; Cabusao at Iriga may tig tatlo; tig dalawa naman sa Sipocot at Minalabac,; tig iisang kaso naman sa Lupi, Gainza, Libmanan, Baao, Bato at Buhi.

Visit RPN DZKI Iriga

Tulad ng unang balita na ang mga may sintomas inaalam pa ang mga history of exposure ng mga ito kung saan nila nakuha ang virus.

Samantala sa barangay Castillo, Cabusao inihayag ni Punong Barangay Lourdes Esteban na isang naitalang kaso sa kanila ay gumaling na matapos na makompleto nito and 7 days quarantine.

Kabilang na ito saw along nakarecover na sa sakit.Sa pangkalahatan nasa 124 na ang active cases ng lalawigan.

Marami sa mga Bicolano ang hindi na naniniwala sa naturang sakit, gayunpaman pinag-iingat parin ng Department of Health.

Samantala umatake rin ang kaso ng dengue sa Camarines Norte at eto’y malapit nang pumalo sa 200 batay eto sa datos ng provincial health ng naturang lalawigan kumpara sa 154 cases last 2021.

Samantala patuloy parin ang kampanya kontra dengue ng PHO sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga lecture sa mga lugar na mayroong mataas na kaso. (Joey H. Lim)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -