Iriga: Comelec checkpoint tuloy-tuloy na ipinapatupad sa bayan ng Libon, Albay

0
4

Sa hangaring lalo pang mapagtibay ang seguridad at kaayusan sa bayan ng Libon, Albay para sa darating na BSKE 2023, ay sama-samang nagsagawa ng COMELEC Checkpoint ang mga kapulisan, kasundaluhan, bumbero at coast guard sa mga permanent checkpoint/chokepoint sa nabanggit na bayan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng butihing pinuno ng PRO5 na si PBGEN WESTRIMUNDO D OBINQUE, kasama ang Provincial Director ng Albay PPO na si PCOL FERNANDO L CUNANAN JR at ilan pang opisyales.

Bumisita rin at nagsagawa ng pagsisiyasat sa checkpoint ang Deputy Commander ng Area Police Command Southern Luzon (APC-SL) na si PLTGEN BELLI B TAMAYO, at nagbigay ito ng ilang gabay para sa pagsasakatuparan ng maayos, tahimik, at ligtas na BSKE 2023.

(Source: Albay Police Provincial Office)

Leave a Reply