Nagkatipon-tipon ang mga local chief executives, climate change advocates at mga kinatawan ng iba’t ibang sektor sa buong bansa upang ipagpatuloy ang mga hakbang tungo sa mga mabisa, epektibo at mahusay na climate change adaptation, sa isinagawang National Climate Change and Disaster Investments Summit 2025, simula Nov. 26 hanggang 27, sa Legazpi City.
Sa press conference ngayong Miyerkules, sinabi ni Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Analiza Teh, adhikain ng summit na maging mas malakas ang ugnayan at suporta ng national government agencies, local government units at private sector para sa isang bansang matatag at climate-adaptive.
Binigyang-diin ni Nong Rangasa, executive director ng Local Climate Change Adaptation for Development, na isinusulong ng summit ang bio-circular green and blue economy approach kung saan pag-aaralan ang paggamit ng makabagong teknolohiya, inobasyon, creative industries at iba pang mekanismo upang tugunan ang mga hamon ng climate change, at mapalakas ang paglalan ng pondo
para dito.
Ipinunto naman ni Prof. Mahar Lagmay, executive director ng University of the Philippines Resilience Institute – Project NOAH na mahalagang pakinabangan ng mga LGUs ang mga hazard maps o anumang tools na likha ng agham upang mas malaman ang mga aksyon na kailangan gawin ng mga residente sa panahon ng sakuna.
Samantala, inilahad naman ni Dr. Joey Sarte Salceda, climate change global advocate, ang kaniyang mga inisyatiba upang mas batid ng mga Bicolano ang mga praktikal at adaptive measures laban sa climate change.
Source: PIA Bicol Region
