Iriga: Camalig nakaranas ng ashfall kasunod ng lava collapse sa Bulkang Mayon- MDRRMO

0
1

Kinumpirma ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) Rommel V. Negrete, Jr., PhD, JD, D Hum, na nagkaroong muli ng pagbagsak ng abo o ashfall sa ilang lugar sa bayan ng Camalig dulot ng patuloy ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa opisyal na monitoring ng Camalig Public Information Office (CPIO), mayroong namataang pyroclastic density currents (PDCs) o “uson” kasunod ng naganap na lava collapse bandang alas-10 kaninang umaga.

Mahigpit namang nagpaalala si Camalig Mayor Carlos Irwin Baldo Jr., na magsuot ng face masks at manatili na lamang sa loob ng bahay dahil nariyan pa rin ang posibilidad ng lava flow, at pagbagsak ng abo.

Samantala, sa opisyal na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kaninag alas-5 ng umaga, mayroong naitalang 2 volcanic earthquakes, at 340 na rockfall events sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24-oras.

Umabot naman sa 2,504 toneladang asupre ang naibubuga ng bulkan kada araw base sa naitalang datos ng ahensya simula kahapon.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagdaloy ng lava sa may Basud (3.8 km), Bonga (2.6 km), at Mi-isi (1.3 km) gullies.

Bunsod nito ay mahigpit pa ring pinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 6-km Radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

Source: Albay PIO

Leave a Reply