28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Iriga: Binatilyo, patay matapos malunod dahil sa pagsagip ng dalawang menor de edad sa Pilar, Sorsogon

- Advertisement -

Nakaburol na ngayon ang labi ng isang 15-anyos na lalaking binawian ng buhay matapos malunod dahil sa pagligtas nito sa dalawang menor de edad niyang kasamahan na muntik nang malunod sa ilog na sakop ng Barangay Banuyo, Pilar, Sorsogon dakong alas 11:30 ng umaga, nitong Pebrero 10, 2023.

Ayon sa impormasyon, naliligo ang biktima kasama ang dalawang menor de edad na kaniyang pamangkin at kapitbahay sa nasabing ilog. Nagpapaturo umanong lumangoy ang pamangkin ng biktima nang mapansin nitong nalulunod na ang mga ito. Agad na sinagip ng biktima ang dalawa ngunit siya ang hindi na nakaahon pa dahil sa lakas ng agos ng tubig ng mga oras na iyon.

Sa isinagawang Search and Retrieval Operation, natagpuan ang katawan ng biktima pasado alas 12:30 na ng hapon. Idinala pa ang biktima sa ospital ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Samantala, itinuturing na bayani ngayon ang biktima dahil sa ipinamalas nitong katapangan na kahit sarili niyang buhay ay isinugal nito para sa kaligtasan ng kaniyang mga kasamahan. (Jv Navarro Verdeflor Jr via MDRRMO Pilar, photo credits to the owner)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -