Iriga: Bicol Regional Development Council nagpahayag ng suporta sa Project 6Bs ng DepEd Bicol

0
29
photo courtesy of DepEd Bicol

Suportado ng Bicol Regional Development Council (BRDC) ang Project 6Bs o ang “Bawat Batang Bicolano Bihasang Bumasa at Bumilang” na programa ng Department of Education (DepEd) Bicol.

Sa ginanap na full council meeting ng RDC nitong nakaraang araw, pormal na inindorso ang proyekto sa mga miembro ng grupo.

Layunin ng Project 6Bs na mapalakas ang kaalaman ng mga bicolanong mag-aaral sa larangan ng pagbasa at pagbilang.

Binigyang pagkilala ng mga myembro ng RDC ang inisyatibo ng DepEd Bicol sa pamumuno ni Regional Director Gilbert Sadsad sa paniniwalang mayroong positibong epekto ang programa sa mga kabataang bicolano.

(Source: DepEd Bicol)

Leave a Reply