28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Iriga: Bagong kanta ng Bicolano singer-songwriter, hatid ang pag-asa at inspirasyon

- Advertisement -

Nakatakdang i-release sa darating na Hulyo 29, 2022 ang bagong kanta ng multi-awarded na bikolanong singer-songwriter na si Karl Ramirez.

Visit RPN DZKI Iriga

Ang kantang “Di Matitinag” ang magiging kauna-unahan sa serye ng mga kanta na kanyang ilalabas ngayong taon sa pamamagitan ng Believe Music Philippines at Musika Publiko.

Ayon kay Karl, ang kantang ito ay nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon, “When life’s challenges seem to be insurmountable, when we feel no way out of the oppression, ‘Di Matitinag’ is a song hoping to inspire and move us all into the right direction.” ani Karl.

Tubong Albay pero kasalukuyang nakatira sa Camarines Sur, si Karl ay isang  music producer at frontman ng Pordalab na isang socially relevant pop-rock band.

Limang beses nang naging nominado si Karl sa ilang mga award-giving bodies habang nakatanggap naman siya ng parangal sa 33rd at 36th PMPC Star Awards at 65th FAMAS.

“Amidst the anxiety, mixed emotions, even hopelessness that Filipinos are probably feeling right now, I hope I can help in raising their spirit through this song”, ani Karl.

Katuwang ni Karl sa paggawa ng kanyang musika ang Musika Publiko, isang Philippine network ng mga composers, musicians at music producers.

Ayon sa Musika Publiko, pinili nila ang “socially relevant music making” bilang adbokasiya dahil ito raw ang kailangan ng ating lipunan lalo na sa madilim na panahon. Marami ang ginagamit ang musika bilang inspirasyon at gusto nilang maging bahagi sa pagbibigsay ng inspirasyon upang mabago ang mga bagay na kailangang baguhin sa ating lipunan. I via Regina Manressa Rugeria

(Source: Bicol PH)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -