Iriga: Ashfall sa ilang bayan sa Albay, naitala ng PHIVOLCS

    0
    7

    Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ang na-obserbahang makapal na ashfall sa ilang lugar sa mga bayan ng Guinobatan at Camalig kaninang alas-10:35 ng umaga.

    Sa panayam kay Mayon Volcano Observatory Resident Volcanologist Dr. Paul Karson Alanis, ipinaliwanag nito na ang ashfall event ay dulot ng Pyroclastic Density Currents (PDCs) na nabuo mula sa pagbagsak ng malalaking tipak ng lava flow mula sa Bulkang Mayon.

    Ayon sa PHIVOLCS, sa kasalukuyan ay 13 barangay sa Guinobatan at 17 barangay sa Camalig ang napaulat na apektado ng ashfall.

    Patuloy naman ang pagmamanman ng ahensya sa aktibidad ng bulkan at ang posibleng epekto nito sa mga karatig-lugar.

    Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto, gumamit ng face masks bilang proteksyon laban sa abo, at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at mga awtoridad.

    Source: Albay PIO

    Leave a Reply