Iriga: Arestado ang isang lalaking wanted na may kasong grave threat

0
7
(Photo courtesy of Csppo Mps)

Arestado ng Buhi PNP ang isang lalaki na may warrant of arrest sa kasong Grave Threat paglabag sa Section 3, Article 282 ng Revised Penal Code of the Philippines sa isinagawang Manhunt Charlie Operation sa Barangay Sagrada, Buhi, Camarines Sur nito lamang Hulyo 03, 2024.

Bandang 5:00 ng hapon ng ikinasa ang naturang operasyon na nagresulta sa pagka aresto sa suspek na isang 36 taong gulang na lalaki, may-asawa at residente ng Brgy. Sagrada, Buhi, Camarines Sur dahil sa bisa ng warrant of arrest sa ilalim ng Criminal Case No. 2402 na inisyu ng MTC, 5th Judicial Region, Buhi Camarines Sur na may petsang Hunyo 28, 2004 na may kaukulang pyensa na Php. 36, 000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang nasabing akusado ay binasahan ng kanyang mga karapatan at nasa kustodiya na ng Buhi MPS para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.

Ang matagumpay na operasyong ito ay dahil sa mas pinaigting na kampanya ng ating kapulisan sa pamumuno ni PMAJ ANDREW ALCOMENDAS kasama ni PBGEN ANDRE PEREZ DIZON, Regional Director PRO5, at ni PCOL JULIUS CAEZAR M DOMINGO, Provincial Director, CSPPO laban sa mga taong may pananagutan sa batas tungo sa mapayapa, tahimik, at maunlad na komunidad.

(Source: CSPPO MPS Buhi)

Leave a Reply