34.3 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Iriga: Anim na “Doctors to the Barrios” ipinadala ng DOH Bicol sa Masbate, tungkulin ng LGU binigyang diin

- Advertisement -

Pormal nang naiturn-over ng Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) ang anim (6) na doktor na kabilang sa batch 41A ng Doctors to the Barrios (DTTB) program sa Probinsya ng Masbate nitong Lunes, ika-19 ng Pebrero 2024.

Sila ay madedestino sa mga bayan ng Aroroy, Batuan, Claveria, Dimasalang, San Fernando, at Uson. Kasalukuyang mayroong 38 na DTTB ang naitalaga sa malalayong bayan sa rehiyong Bicol.

Ang DTTB program ay naglalayong mabigyan ng sapat at naaayong serbisyong medikal ang mga nasa malalayong lugar sa tulong ng mga ipapadalang doktor.

“Alam natin na napakahalaga ng mga doctors…kailangan maipaalam din natin ito sa mga Local Government Units at the same time yung kahalagahan naman ng Local Government Units, especially on maintaining the health of our community,” ito ang mensahe ni Undersecretary of Health at Concurrent Regional Director ng DOH Bicol CHD, Dr. Nestor F. Santiago Jr. sa isinagawang ceremonial turn-over.

Ang DTTBs ay mga doktor na nagtapos mula sa DOH Medical Scholarship Program na naglalayong suportahan ang mga indibidwal na nagnanais mag-aral ng medisina para makapagbigay ng serbisyo sa publiko.

Lubos ang naging pasasalamat sa DOH Bicol ng mga LGU na nabigyan ng DTTB.

“Iyon po ay ang isang pinapangarap ng Municipality ng Claveria na magkaroon ng dagdag na doktor sa barangay,” ito ang naging tugon ni Hon. Oscar Albao, Sangguniang Bayan member at Chairman ng Committee on Health, nang makilala ang DTTB na ipapadala sa kanilang lugar.

Samantala, siniguro ng mga LGU ang kaligtasan at kapakanan ng mga DTTB na magbibigay ng tatlong taong serbisyo sa kanilang lugar.

Hangad ng DOH Bicol ang suporta at pagganap ng tungkulin ng mga LGU sa pagpapatupad at pagpapalawak ng mga programang pangkalusugan sa pamamagitan ng whole-of-government approach sa pagkamit ang Universal Health Care.

Nagpaabot din ng pasasalamat sa mga LGU sina Dr. Angela Maria B. Rempillo, Chief ng Strategic Management for Health and Development Division (SMHDD); Dr. June Orense, OIC-Provincial DOH Officer ng Masbate Provincial DOH Office; at Mr. Roel Dela Rosa, DTTB Regional Coordinator.

(Source: DOH5/NRB)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -