(Legazpi City, August 25, 2025) Kinoronahan bilang Miss Grand Philippines 2025 1st Runner-Up ang Albayana beauty queen na si Margarette Siat Briton kahapon sa ginanap na coronation night sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Si Briton na tubong Tabaco City ang kumatawan sa Bicolandia sa prestihiyosong beauty pageant.
Bukod sa titulo, naiuwi rin niya ang special awards kagaya ng AVL Grand Star, at Miss Monarch Montage.
Ang 26-anyos na beauty queen ay alumna ng San Jose Community College (SJCC) na nagtapos ng Bachelor of Secondary Education Major in English taong 2022.
Matatandaang kinoronahan si Briton bilang Mutya ng Cagsawa 2025, naiuwi rin niya ang korona bilang Miss Kaogma Tourism taong 2024, at itinanghal ring 3rd Runner-Up sa Search for Daragang Magayon 2023.
Source: Albay PIO