Iriga: Albay, Top 9 sa 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index; Pagpasok ng maraming investors, inaasahan

0
5
photo courtesy of Albay PIO

Kumpiyansa ang Pamahalaang Lokal ng Albay na mas maraming mga investors ang pumasok at mamuhunan sa lalawigan.

Kasunod ito ng muling pag-angat ng Albay sa ranking at makapasok sa Top 10 ng 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index sa katatapos pa lamang na Philippine Creative Cities and Municipalities Competitiveness Congress na ginanap nitong August 23, 2024, sa Manila Hotel.

Ngayong taon, nasa ranked 9th ang Albay, at ang tanging lalawigan sa Bicol na nakapasok sa top 10.

Taong 2022 ay nasa ika 14 na pwesto ang lalawigan habang nasa ika-11 naman noong 2023.

Ayon kay Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO) na pinamumunuan ni LEDIP Officer Jaymee Florence E. Ribaya, maliban sa malaking karangalan na natanggap dahil sa prestihiyusong pagkilala, malaki aniya ang dadalhin nitong mga investors sa lalawigan.

Binigyang-diin ng opisyal na dahil sa parangal na ito na mapabilang sa Top 10 bilang globally competitive province, makikita ang kahandaan ng Albay partikular na pagdating sa usapin ng economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency, at innovation na siyang basehan ng nasabing ranking sa buong bansa.

Matatandaan na nitong mga nakalipas na mga buwan ay tinutukan ng Pamahalaang Lokal ng Albay sa pangunguna ng LEDIPO ang mangungulit sa bawat LGU sa lalawigan partikular na ang pagtuturo ng tamang entry ng mga data sa kanilang system sa tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang CMCI ay ang taunan na ranking na denevelop ng National Competitiveness Council katuwang ang Regional Competitiveness Committees (RCCs) at suporta mula sa United States Agency for International Development (USAID). Sinusuri nito ang mga local government units (LGUs) sa buong Pilipinas sa sa limang ‘key pillars of competitiveness’ kabilang na ang economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency, at innovation.

Una nang kinilala at pinasalamatan ni Governor Edcel Greco A.B. Lagman ang kanyang executive department partikular ang LEDIPO dahil sa natanggap na parangal.

Isa rin ito sa mahigpit na binabantayan at pinatataas ng Albay na may malaking papel para sa inaasam na Seal of Good Local Governance (SGLG).

Ang Philippine Creative Cities and Municipalities Competitiveness Congress (PCCMCC) ay inorganisa or Department of Trade and Industry (DTI) sa pangunguna ng kanilang Competitiveness Bureau (CB).

(Source: Albay PIO)

Leave a Reply